| home
/ worship / catholic
prayers
Panalangin kay Hesus na Mabuting Pastol Para
sa Mga Obispo at Mga Pari
O Hesus, Mabuting Pastol, ikaw
ang ganap na larawan at katuparan ng pangako ng
Diyos noon pa mang una sa Kanyang Bayang Israel:
“Bibigyan ko kayo ng mga pastol sunod sa
aking puso” (Jer. 3:15). Pinupuri at pinasasalamatan
namin ang Panginoong Diyos para sa iyo, ginigiliw
naming Hesus, sapagkat sa iyo na Kanyang Bugtong
na Anak, aming nasumpungan ang tunay na pastol
sunod sa Kanyang puso. Matiyaga mong itinuro sa
amin ang Katotohanan tungkol sa Diyos, pinanguluhan
mo kami sa Daan tungo sa Diyos, at binigyan mo
kami ng Buhay ng Diyos. Sa iyong kamatayan sa
krus, ipinagkaloob mo ang iyong sarili sa amin—kahit
pa nga kami ay makasalanan—ng sa gayon kami
ay iyong mailigtas mula sa mga kuko ng kasalanan
at kamatayan, at mabuksan para sa amin ang landas
tungo sa buhay na ganap. Sa iyong muling pagkabuhay,
ibinangon mo kami mula sa aming pagkakalugmok,
nilikha mo kaming muli, binigyan ng bagong diwa,
at ginawa mo kaming mga anak ng Diyos.
O
Hesus, mahabaging pastol, mapagmahal
at laging tapat, kami ay lumalapit at mataimtim
na nanalangin sayo para sa iyong pari at hinirang
na pastol na si __________________________. Hinihiling
naming basbasan mo siya ng iyong nakapagpapanatili
at nakapagpapagaling na presensya. Buhayin mo
siya sa iyong pag-ibig, liwanagan at gabayan mo
siyang lagi ng iyong karunungan, at patatagin
mo siya sa iyong tapang at lakas. Sa sigasig na
nagmumula sa Banal na Espiritu, panatilihin mo
siyang laging tapat sa pagsasabuhay ng kanyang
tawag bilang pari at lingkod mo, mapagkumbaba
at tapat, matiyaga at masunurin, mahinahon at
may magandang loob. Pagkalooban mo siya ng mga
tunay na kaibigan, mga kapatid sa pamayanang sumasampalaya
sa iyo na mananatiling tapat upang siya ay samahan
at tulungan sa mga panahon ng kalungkutan at kagalakan
at sa kanyang pagsusumikap na makatugon ng lubos
sa kanyang natatanging bokasyon at buhay-laan
sa Iyo at sa Yong Bayan. Nawa ay matagpuan niya
ang tunay na kagalakan at kaligayahan sa buhay
nya bilang pari, matuklasan niya sa kanyang pagpapahayag
ng yong pangalan at kaharian “ang perlas
na halagay di mapapantatayan,” makamtan
nya ang kaganapan ng kanyang pagkatao sa paglilingkod
na di mapaghanap at lubos pagkakaloob ng sarili
para sa yong Simbahan, Gawin mo syang banal, O
Panginoon; madasalin at mapagnilay. Huwag mo syang
hayaang maligaw ng landas o masiraan ng loob sa
mga panahon ng pagsubok at pighati, manapay panatililihin
mo syang laging tapat at totoo. O Mabuting Pastol,
basbasan mo si _____________________ ang iyong
pari’t-pastol, at tulungan mo syang mamalaging
isang “pastol sunod sa iyong puso.”
Amen.
Ama
Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati
sa Ama…
This
prayer is composed by Msgr. Jesus Romulo
C. Rañada for the Good
Shepherd National Shrine Movement.
My
Commitment
I, ___________________________________________,
commit myself to pray daily for ________________________________________,
a priest of Jesus Christ, anointed by him to serve
his flock as a shepherd—with a heart like
his own—ever faithful to God and his people.
In
making this commitment I realize the importance
of praying for priests, for their sanctification
and well-being, for their sake and for the sake
of the Church. I also realize that though seemingly
small, this daily prayer I make for this particular
priest is nonetheless significant and serves as
my own personal contribution and love offering
towards making the Church of Jesus Christ, our
Good Shepherd, truly One, Holy, Catholic, and
Apostolic forever.
|